Sunday, 4 August 2019

Panukalang Proyekto


Panukala sa Pagpapagawa ng Daanan papuntang Aurora Para sa Barangay Malalinta

Mula kay: Jay Mark P. Dulay
Brgy. Captain Rogelio Pandera
Malalinta San Manuel Isabela
Ika –27 ng Oktobre 2019
Haba ng Panahong Gugugulin: 4 na buwan, 3 linggo at 3 araw


I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng Barangay Malalinta ay ang napaka hirap na daanan dito. Minsan nagiging sanhi pa ng disgrasya ang mahirap na daanang ito. Lalo pag umuulan mas dumudulas ang daan na nagiging sanhi ng disgrasya.

Dahil dito mas mainam na ipaayos na ang daan sa Barangay Malalinta at ng maging maayos na ang transportasyon papunta at paalis dito. Upang maiwasan na rin ang mga disgrasyang dulot nito.


II. Layunin
Maipaayos ang daanan ng Barangay Malalinta at ng maging maginhawa na ang byahe ng mga tao rito. Nais din ng proyektong ito na maiwasan na ang mga disrasyang dulot nito.



III. Plano na Dapat Gawin
1. Pagpapasa, paghahanda, paglalabas ng budyet at maging pag- aaproba.
- (1 linggo)
2. Pagbibidding na gagawin sa mga kontaktor at magongontrata sa paggawa ng Daanan.
- (2 linngo)Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani- kanilang tawad para sa pagpapaayos ng daanan kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagsasagawa ng pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa at pagpapaayos ng daanan.
- (2 araw)Gagawin rin sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontaktor par asa kabatiranng nakakarami.
4. Pagsasagawa ng daanan sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Malalinta.
- (4 na buwan)
5. Pagbabasbas at pagpapasinaya ng daanan.
- (1 araw)


V. Badyet
Mga Gastusin Halaga
I. Presyo o halaga ng pagpapagawa ng daanan batay sa isinumite ng napiling kontraktor (kalakip na rito ang sweldo ng mga trabahador at ang lahat ng mga kontraktor)
Php. 4,980,000.00
II. Halaga ng mga gastusin sa pagbabawas at pagpapasinaya nito.
Php. 20, 000.00
II. Kabuuang Halaga
Php. 5,000,000.00


V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito
Ang pagpapagawa ng daanan ay magiging malaking tulong at pakinabang ng mga mamamayan sa Barangay Malalinta San Manuel Isabela.


Tuesday, 30 July 2019

Minuto ng Pagpupulong


MALALINTA NATIONAL HIGH SCHOOL
Malalinta, San Manuel, Isabela

MINUTO NG PAGPUPULONG

Pangalan ng Asosasyon:  Diocesan Youth Apostolate
Petsa: Hunyo 26, 2019 
Oras na Nagsimula: 9:00 am
Taong tatalakay: Jeric Fernandez

Mga Dumalo:
​Lester Pinto
Jescel Dulay
Princess Mariano
Reynaldo Torres
Emil Justine Ringor
Destiny Ringor
Kevin Domingo
Jm Dulay
Jhanica Fernandez
Leigh Mateo
Mico Pagatpatan
Kenneth Cadday
Wesley Acosta
Lester Bautista

Mga Di-dumalo: 
wala

Agenda nang Pagpupulong:
1. Oryentasyon ng mga myembro sa kanilang mga gawainat responsibilidad..
2. Preparasyon
3. mga idadalang gamit

Mga Napag-usapan:
1. Sinabi, ipinaliwanag at ipinaalala ni Jeric Fernandez sa mga Kabataan ang   
kanilang mga tungkulin, gawain at responsibilidad bilang isang mabuting lingcod ng Diyos.

2. Ipinaliwanag din ni Jeric Fernandez ang mga dapat idala sa Ilagan tulad ng mga bibliya, rosary at mga damit na naayon sa seminar.


   Inihanda ni:​​​​​​ Jay Mark P. Dulay​                Inaprubahan: Jeric Fernandez 
                  Miyembro​​​                                                         Facilitator

Monday, 29 July 2019

Bionote


Si Jay Mark P. Dulay ay ipinanganak sa bayan ng Malalinta San Manuel Isabela, noong ika-pito ng Hunyo taong 2001. nagtapos ng BS Architecture sa Ateneo de Manila University ng may mataas na parangal, kasalukuyang miyembro ng Philippine Association of Young Architects na kabilang sa Asia’s Guild of Engineers and Architects. Nakadalo ng ilang prominenteng komperensiya: Futuristic Architecture 2022 sa SMX Convention Center, Pasay City; Beyond Philippine Architecture 2023 Conference sa Baguio City; at Asia’s First Architectural Summit 2024 sa Tokyo, Japan. May isang taong karanasan sa pagtatrabaho sa isang pribadong kompanya. Naghahangad siya na magamit ang mga natutunan, karanasan, kasanayan, at talento na maaaring makatulong sa pag-unlad ng papasuking trabaho. Ang aplikante rin ay may sapat na kakayahan at kaalaman sa sumusunod na mga larangan: exterior designing, residential planning, at contemporary architecture.

Wednesday, 24 July 2019

Adyenda

Petsa: Hunyo 26, 2019                                                           Oras: 9:00 am – 11:00 am
Lugar: Malalinta National High School
Paksa:/ Layunin: Preparasyon para sa DYC


Mga Dadalo:
      Lester Pinto
      Jescel Dulay
      Princess Mariano
      Reynaldo Torres
      Emil Justine Ringor
      Destiny Ringor
      Kevin Domingo
      Jm Dulay
      Leigh Mateo
      Mico Pagatpatan
      Kenneth Cadday
      Wesley Acosta
      Lester Bautista


Mga Paksa o Agenda
      Mga gagawin at idadala sa DYC
      Mga babayaran sa pagpapgawa ng damit


Taong tatalakay
      Jeric Fernandez


Oras
      20 minuto





Sunday, 21 July 2019

Talumpati

Pag-ibig

Magandang umaga sa ating lahat, ako po ay may maikling talumpati tungkol sa pananaw ko sa pag-ibig. Ngunit bago po ako mag simula nais ko munang tanungin kung ano ngaba ang pag-ibig para sainyo? Sabi ng iba ito ay isa lamang distrakston at sabi naman ng iba ito ay makakatulong upang isa nating inspirasyon. Pero sa aking pagkakaalam mga kapatid kahit kelan hindi nagging masama ang umibig at alam ko tayo ay nabubuhay upang magpatawad at higit sa lahat magmahalan.

Pero ang pagmamahal na tinutukoy ko ay ang pagmamahal sa isang tao, sa isang tao na hinahangaan mo, sa isang tao na gusto mong makasama sa habang buhay pero bago mo mahanap ang taong ito ay

marami ka pang makakasalamuhang ibang tao, marami ka pang makikilala iba bago mo mahanap yung tao na magmamahal sayo ng higit pa sa pagmamahal na ipinaparamdam mo sa kanya.


Ang pagmamahal ay nagbibigay kasiyahan at kalungkutan sa mga taong nakakaramdam ng pagmamahal lahat naman ng tao ay nakakaramdam nito. Ang pagmamahal ay nagbibigay ng kasiyahan at dahil dito ang taong nakakaramdam nito ay naiinspire sa pag-aaral at sa marami pang bagay.



Pero ang kasiyahang ito na nararamdaman mo kung minsan hindi maiiwasan ang kalungkutan dahil minsan malalaman mo na ang taong mahal mo ay mayroon na palang mahal. Lahat ng kalungkutan na ito ay mapapawi kapag dumating na yung tamang tao na karapat-dapat sa pagmamahal na ibinibigay mo at pagnahanap mo na ang taong ito puro kasiyahan na ang mararamdaman mo.

Abstrak

Epekto ng bullying sa mga mag-aaral

Ang "bullying" ay isang uri ng kaharasan laban sa matanda man o mapabata. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon o DepEd, matatawag na "bullying" ang pananakit nang pisikal o pagsasabi ng masasakit na salita o mapanirang salita at paulit-ulit na pang-aasar sa isang indibidwal.
Sa panahon ngayon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na ang lahat ng bagay sa mundo, hindi maiiwasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot ng mundo kasabay ng mabilis na pagkatoto ng mga bata sa anumang bagay sa kanyang paligid, laganap angisang di pangkaraniwang suliranin na kung saan ang tmga kabataan ang madalas na nabibiktimarito. Ang kabataan ay namulat sa tinatawag na “bullying”Ang Pambubully o “bullying" sa ingles ay isang paraan ng pananakit sa pisikal emosyonal na parte ng isang indibidwal o grupo ng mga tao. Kadalasan, sa paaralan nangyayariang pambubuska o “pambubully”. Maraming epekto ang maaaring idulot nito sa isang tao. Ang pinakamalala ay ang pagpapakamatay na dulot ng depresyon dahil sa pambubulas. Kadalasanang binubulas ay may ibang pisikal na kaanyuhan, tahimik o di kaya naman ay galing sa mahirapo magulong pamilya. Dahil dito, maraming pwedeng ipintas ang mga tao sa kanya. Minsan ay tinatawag na kung anu-anong pangalan, kinukuha ang pera o baon, o kaya naman ay sasaktan ng pisikal. Patuloy na mabubulas ang isang tao kung ipagwawalang bahala lang niya ang mgaginagawa sa kanya ng nambubulas. Ang pag-uugali ng isang bata ay nakukuha sa mga kaugalian ng mas nakakatanda sakanila, mga nagaganap sa kanyang sarili o sa kanyang kapaligiran. Ang pambubully at paulit-ulitna panunukso ay isang agresibong pag-uugali na nag dudulot ng negatibong epekto sa isang bata. Nakakagambala ito sa pag-aaral o kagalingan at pag-unlad ng batang may ganitong asal at maging sa batang naapi.

Monday, 15 July 2019

Sintesis

Epekto ng Basura sa Kapaligiran


Hindi na bago sa mga Pilipino ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran. Ayon sa popular na kanta ng Asin, hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan. Ngunit kung ikaw na ordinaryong tao ang tatanungin, gaano ba kalaki ang kontribusyon mo sa pagkasirang ito? Karaniwan na sa kanayunan ang pagsusunog ng basura sa paligid ng bahay pagkatapos silang walisin at ipunin sa isang tabi. Imbes na sunugin, ano naman ang maaari nilang gawin dito? Ibaon sa likod ng bahay para maging pataba? Paano naman ang mga basurang hindi nabubulok kaagad sa ilalim ng lupa? Saan sila itatambak? Ang suliranin sa pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming usaping pangkalikasan, at ito ang totoong kaakibat ng pag-unlad ng lipunan. Sa pag-unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong nalilikha ng tao: mga produktong nakakatulong sa pagpapagaan sa proseso ng pagtatanim ng palay at iba pang pinagkukunan ng pagkain; mga produktong nakakapagpadali sa pagdadala ng mga produktong agrikultural; mga produktong nakakapagpaginhawa sa pamumuhay at sa mga gawain sa loob ng tahana; mga produktong nagbibigay saya o mga produktong pang-sining; mga produktong nagluluwal ng iba pang produkto; at marami pang klase ng produkto na nalilikha sa sangkatauhan. Ang pananagutan sa problemang basura ay nakatuon sa kung sino ang lumilikha at nakikinabang sa paglikha nito. Kahit sa basura sa hangin na nagdudulot ng pagbabago ng klima (climate change), ang may pananagutan ay ang mga mayayamang bansa na siyang may pinakamalaking volume na ibinuga at patuloy na ibinubugang greenhouse gas, hindi ang Pilipinas na mas maliit pa sa 1% ang ambag nito. Ang lumilikha at yumayaman ang may pananagutan at sila ang dapat singilin para sa pagbubuo ng mga imprastruktura para ayusin ang pagtatapon ng basura. At bago natin makalimutan, mayroong gobyerno para gawin ang lahat nang ito.