Sunday, 21 July 2019

Talumpati

Pag-ibig

Magandang umaga sa ating lahat, ako po ay may maikling talumpati tungkol sa pananaw ko sa pag-ibig. Ngunit bago po ako mag simula nais ko munang tanungin kung ano ngaba ang pag-ibig para sainyo? Sabi ng iba ito ay isa lamang distrakston at sabi naman ng iba ito ay makakatulong upang isa nating inspirasyon. Pero sa aking pagkakaalam mga kapatid kahit kelan hindi nagging masama ang umibig at alam ko tayo ay nabubuhay upang magpatawad at higit sa lahat magmahalan.

Pero ang pagmamahal na tinutukoy ko ay ang pagmamahal sa isang tao, sa isang tao na hinahangaan mo, sa isang tao na gusto mong makasama sa habang buhay pero bago mo mahanap ang taong ito ay

marami ka pang makakasalamuhang ibang tao, marami ka pang makikilala iba bago mo mahanap yung tao na magmamahal sayo ng higit pa sa pagmamahal na ipinaparamdam mo sa kanya.


Ang pagmamahal ay nagbibigay kasiyahan at kalungkutan sa mga taong nakakaramdam ng pagmamahal lahat naman ng tao ay nakakaramdam nito. Ang pagmamahal ay nagbibigay ng kasiyahan at dahil dito ang taong nakakaramdam nito ay naiinspire sa pag-aaral at sa marami pang bagay.



Pero ang kasiyahang ito na nararamdaman mo kung minsan hindi maiiwasan ang kalungkutan dahil minsan malalaman mo na ang taong mahal mo ay mayroon na palang mahal. Lahat ng kalungkutan na ito ay mapapawi kapag dumating na yung tamang tao na karapat-dapat sa pagmamahal na ibinibigay mo at pagnahanap mo na ang taong ito puro kasiyahan na ang mararamdaman mo.

No comments:

Post a Comment