Panukala sa
Pagpapagawa ng Daanan papuntang Aurora Para sa Barangay Malalinta
Mula kay: Jay Mark P. Dulay
Brgy. Captain Rogelio Pandera
Malalinta San Manuel Isabela
Ika –27 ng Oktobre 2019
Haba ng Panahong Gugugulin: 4 na buwan, 3 linggo at 3 araw
I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa sa mga
pangunahing suliraning kinakaharap ng Barangay Malalinta ay ang napaka hirap na
daanan dito. Minsan nagiging sanhi pa ng disgrasya ang mahirap na daanang ito.
Lalo pag umuulan mas dumudulas ang daan na nagiging sanhi ng disgrasya.
Dahil dito mas
mainam na ipaayos na ang daan sa Barangay Malalinta at ng maging maayos na ang
transportasyon papunta at paalis dito. Upang maiwasan na rin ang mga
disgrasyang dulot nito.
II. Layunin
Maipaayos ang daanan ng Barangay
Malalinta at ng maging maginhawa na ang byahe ng mga tao rito. Nais din ng
proyektong ito na maiwasan na ang mga disrasyang dulot nito.
III. Plano na Dapat Gawin
1. Pagpapasa, paghahanda, paglalabas ng budyet at maging
pag- aaproba.
- (1 linggo)
2. Pagbibidding na gagawin sa mga kontaktor at magongontrata
sa paggawa ng Daanan.
- (2 linngo)Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o
magsusumite ng kani- kanilang tawad para sa pagpapaayos ng daanan kasama
ang gagamiting plano para rito.
3. Pagsasagawa ng pagpupulong ng konseho ng barangay para sa
pagpili ng kontraktor na gagawa at pagpapaayos ng daanan.
- (2 araw)Gagawin rin sa araw na ito ang opisyal na
pagpapahayag ng napiling kontaktor par asa kabatiranng nakakarami.
4. Pagsasagawa ng daanan sa ilalim ng pamamahala ng konseho
ng Barangay Malalinta.
- (4 na buwan)
5. Pagbabasbas at pagpapasinaya ng daanan.
- (1 araw)
V. Badyet
Mga Gastusin Halaga
I. Presyo o halaga ng pagpapagawa ng daanan batay sa
isinumite ng napiling kontraktor (kalakip na rito ang sweldo ng mga trabahador
at ang lahat ng mga kontraktor)
Php. 4,980,000.00
II. Halaga ng mga gastusin sa pagbabawas at pagpapasinaya
nito.
Php. 20, 000.00
II. Kabuuang Halaga
Php. 5,000,000.00
V. Benepisyo ng
Proyekto at mga Makikinabang nito
Ang pagpapagawa ng daanan ay magiging malaking tulong at
pakinabang ng mga mamamayan sa Barangay Malalinta San Manuel Isabela.
No comments:
Post a Comment